"Filipino: Wikang saliksik"

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa atin. Ito ang nagsisilbing tulay sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, sa asosasyon at sa institusyon. Malakin ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng maayos at magandang ugnayan, unawaan at mabuting pagsasamahan. Ang Pilipinas ay may isanfg wika na nagiging daan para magkaintindihan ang bawat Pilipino at ito ay ang wikang Filipino. Napakahalaga ng wika dahil kung wala ito paano pa kaya magkakaintindihan ang mamamayan at paano pa mas mapapabilis ang ating pag-unlad

Tuwing buwan ang Agosto, ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika.  At ang tema ng buwan ng wika ngayong taon ay "Filipino: Wikang Saliksik". Layunin nitong gamitin ang wikang Filipino sa pananaliksik. Gamitin ang wika sa pagbabahagi ng mga impormasyon gaya na lamang ng pakikipagtalastasan o ang pagsusulat. Dahil sa paggamit ng ating wika mas mapapadali tayong magkaintindihan at maiparating kung ano nga ba ang nais nating ibahagi nang hindi nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang bawat isa.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Choose Wisely, Live Healthy